Thursday, July 26, 2012

JOB FAIR 2012

JOB FAIR 2012
May 1, 2012
Event Center SM City Pampanga

..Job Fair..
..di talaga biro maghanap ng trabaho, lalo na sa panahon ngayon..
..Pag minsan nga kahit college graduate na, at me degree, hirap pa din kumuha ng trabaho,
..May 1, 2012 "Labor Day" ako, kasama ng mga ka-OJT ko, inutusan kameng mag cover ng Job Fair.
that day din, na feel ko na parang HR assistant ako, hihi.. ako kase yung tumatanggap ng mga resume ng mga applicante para sa Job Fair ng ABS Pampanga...
..First time kong makpunta sa Job Fair..
..naisip ko, andame pa din talagang mga taong walang trabaho :(
..hirap isipin.. nakakalungkot.. :(
.. kaya yung iba, di talaga masisisi kung bakit nakikipagsapalaran sila sa ibang bansa para magtrabaho..
..oo nga naman, sa panahon ngayon kung di ka talaga kakayod, magsisipag, wala kang mahahapag na pagkaen sa pamily mo, walang magandang edukasyon na mabibigay sa mga anak mo..
..kaya kahit mahirap, kahit masakit, kahit malayo, nakikipagsapalara ang pinoy para kumita ng pera.
..sa sobrang dame ng tao, naisip ko, pano kaya pag ako na kung gumraduate, at maghanap ng trabaho, makakapasok kaya ako agad sa gusto kong trabaho?
..sa media industry kaya ako ma punta? sa mga NGO? sa mga organization na me pinaglalaban na advocacy?
.......hmmm.... sa ngayon, di ko pa din maisip kung ano talagang gusto kong trabaho e..
..sabe ko sa sarili ko that time.. hmm,. kahit anong trabaho pa yan, papasukan ko, basta magamit ko lang pinag-aralan ko.. sayang nga naman...
..sabe ko din sa sarili ko, kung sigurong sa media ako, di ako kikita ng sobrang laki, kaya naisip ko din panu kaya kung mag business ako.. hehe.. that time nangarap ako na sana magka-business ako at lahat ng mga pumipila noon bibigyan ko ng magandang trabaho.. hihi (libre lang mangarap...)

..andame kong narealize nung araw na yun..
..di biro maghanap ng trabaho..
..trabaho ang kailangan para mabuhay..






























No comments:

Post a Comment