Thursday, July 26, 2012

Live news coverage-Alfred Mendiola

Live News Coverage


Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sa lives news coverage, yun yung panahon na pinatay yung star witness ng Dominguez brothers na si ALfred Mendiola.
Ilan araw din namen sinubaybayan yung coverage nun.
LIVE. hmm. define live..
hmm. ganun pala yun, hindi lang kameng media sa Pampanga yung nagcover. andyan yung GMA, TV5, UNTV, CLTV36, at yung TV46 Pampanga/ABS-CBN Pampanga..
..tinutukan 24 hours.


hanggang sa araw na ilibing na siya, ako kasama si Sir Jayvee (news reporter) sumama kame sa libing ni ALfred Mendiola, grabe, dun pa lang siguro ako nakakita na mabibilang sa kamay yung mga nakipaglibing.. siguro nga dahil sensitive yung murdaer case niya tako din yung ibang tao na makipaglibing baka naman madamay pa sila at sila naman yung sunod na paslangin.
mabibilang sa kamay yung mga taong naglalakad na inihatid si Alfred sa kanyang huling hantungan. puro media people yung sumama para magcover ng news..


..that time na naglakad kame, almost 1 hour ata kameng naglalakad, nakakwentuhan ko si Sir Jayvee,
tinanong niya ko, pano daw ba annong balak ko pag nag graduate na ako, gusto ko din daw bang maging reporter?
..sabe ko, depende po yun kuya, kung san ako mas fit at kung kaya ko din, why not?! gusto ko din naman na i-try..
sinabe niya na kung gusto ko daw maging reporter/journalist.
dapat malakas ang loob. marunong makitungo sa tao, di maarte at passion din talaga sa trabaho. nabanggit din niya na kealngan mahalin mo yung trabaho mo, kahit na maliit lang yung sahod.









No comments:

Post a Comment